Editorial Cartoon – Masyadong Malakas?

Ang editorial cartoon ay isang paraan para magpakita ng isang ideya ng tao, lalong lalo na tungkol sa pamahalaan o problemang pambansa, sa mga iba. Halos lahat ng editorial cartoon ay pinalala o nagpapakita ng pagkiling sa isang kalahati, at dapat lang para mas makikita ang gustong sabihin ng editor.

Subalit, para sa akin, baka minsan masyadong bias ang mga editorial cartoon natin ngayon, lalong-lalo na sa mga tao sa pamahalaan. Iniisip niyo na “thats the point! Dapat naman ganyan ang editorial!” pero, hindi ba parang masyadong “one-sided” na ang maraming mga editorial cartoons na ito, katulad nung kay P-noy, at laging ipinapakita ang mga masamang bahagi niya? Halos walang editorial cartoon ay nagpapakita ng kabilang mukha, naririnig mo lang na mayroon na sinasabi nila na maganda tungkol sa kanya, subalit wala kang nakikitang editorial cartoon na mabuti. Walang nagkontesta sa mga ideya ng mga gumagawa ng mga editorial cartoons na uso ngayon sa Pilipinas, subalit ganyan pa lagi ang nakikita ko. 100% kung may nakita akong editorial cartoon kahit saan mula sa isang Pilipino, negatibo ang daan. Ang ating bayan ay “hive-minded as is”, at walang maproprotesta ang cartoon na iyon, ‘di naman ‘to lumalaban sa katiwalian o anuman dahil ‘di ka naman kinokontra at walang naglalaban sa ideyang iyon.

Ang gusto kong ilahad sa inyo ay laging bigyan ng pagkataon ang kabilang mukha, at wag na isipin na lahat ng editorial cartoon ay laging nagpapakita ng buo. Totoo, nakikita natin ang mga ideya nila sa halip, subalit ideya pa rin yan, at karapat-dapat lang na mayroon kang sariling ideya.

Leave a comment